Gertrude

"Ang Petiburges"



Noong taglagas ng 1888, pagkatapos na pagkatapos niyang makumpleto ang gawa sa British Museum, nilisan niya ang London at tumungo sa Paris.

Relatibong komportable siya sa isang munting kabahayan na tinuluyan niya dito. May dalawang kuwarto siya roon, isang tulugan at isang tanggapan ng mga bisita. Ang pamilyang Beckett ang may-ari ng bahay. Simple lang ang mga Beckett, gitnang-uri, ama at ina, dalawang anak na lalaki at apat na babae. Tumutugtog ng organ si Beckett sa simbahan, at tipikal Victorian ang kaligiran sa kabahayan, kagalang-galang. Maayos ang pakikitungo ni Rizal sa kapayakang ito, pero hindi sila ang tipong makakausap lagpas sa mga simpleng paksa, tungo sa kanyang trabaho, adhikain, mga ganoon.

Sa paglipas ng mga buwan, medyo nagiging mairugin itong si Gertrude Beckett (o Tottie), panganay sa mga babae, tungkol sa kanya; at noong magpaPasko, nagsimula siyang tumugon. Walang nakakaalam sa pamilya, umunlad ang isang uri ng lambingan o unawaan, para bang dumako na sa puntong wala nang balikan, tuloy-tuloy na---kung malalaman lang ng ama at ina ng babae.

At bigla alam kaagad ni Rizal na kailangan na siyang umalis. Hindi niya posibleng mapakasalan ang babae; hahadlang lang ito sa kanyang gawain at tungkulin para sa Pilipinas. At saka, nakapangako siya kay Leonor. Ang alternativ---pagkapikot, at malapit na nga sa ganoon---hindi niya maubos-maisip. Naghiwalay silang magkaibigan, at sa ilang panahon ay nagsulatan tungkol sa mga simpleng bagay. Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa panahong wala siyang balita tungkol kay Leonor Rivera.



Hindi mo marahil naiisip na malupit ako o makakalimutin sa hindi pagsagot
sa sulat mo dati, pero talagang naghihintay lang kaming makabalita mula sa iyo,
hindi alam kung maayos mo ngang natanggap ang mga liham, o baka hindi iyon
ang tamang adres, lipat ka kasi nang lipat; nakakatuwa ka talaga, e ano kaya kung
sumama ako sa iyo, edi mayroon na tayo dapat na isang maliit na kuwarto at hindi
na namomroblema.
Nagaalala ka ba na hindi mo natanggap ang una kong sulat sa iyo? Bumalik
sa akin noong isang araw iyon matapos ang matagal na panahon, di ba kataka-taka
sapagkat sinulat ko agad iyon pagkaalis na pagkaalis mo, para mataggap mo kinabukasan?
Oh, napakamiserable ko noon; hindi ko maiwasang sumulat sa iyo, sabagay wala
namang nakakaalm na iba. Maraming salamat sa pagpapadala ng magasin tungkol sa
fashion pero wala namang magagandang damit doon, ni wala sa kalahating ganda ng
English fashion namin. Tinaggap ba nila ang mga bustong ginawa natin? Aba, siyempre,
ang galing mo yatang gumawa, hindi nila pwedeng tanggihan…


Magbalik sa Rizal Romantiko